Linggo, Agosto 17, 2014

 ANG AKING IMPRESYON TUNGKOL SA DIGMAAN SA GITNANG SILANGAN
    Isang seryosong pangyayari ang aking natunghayan  mula sa isang kaganapan o digmaan sa gitnang silangan sa pagitan ng mga bansang Israel at Libya . Sa natunghayan kong ito , lubha palang mapanganib ang magkaroon ng digmaan sapagkat wala pala itong pinipili , bata man o matanda , mahirap man o mayaman . Kinilabutan ako sa mga eksena ng kaganapan at mga larawan na nagpapakita ng matinding labanan ng magkabilang bansa . Natakot ako sapagkat napakalalakas ng mga sandatang mapamuksa ma ginagamit sa digmaan . Kung iisipin ko ‘ y , paano ang mga batang paslit na walang kalaban laban sa mga sandatang ito .                
         TANGKE NA KANILANG GINAMIT SA DIGMAAN
                               
    

                          MGA BIKTIMA NG NASABING DIGMAAN

                 
 Oo , mainit ngang pinaguusapan ngayon ang mga pangyayaring ito . Unang una na ang kaligtasan ng mga tao na nakapaloob sa magkabilang bansa na naiipit sa digmaang ito . Nalulungkot ako sapagkat may mga Pilipino din palang naipit sa digmaan . Mga pilipinong nagtatrabaho sa isang malaking kompanya na may bilang na humigit kumulang tatlong daang katao ( 300 ) . salamat naman at may aksyon ang gobyerno para dito . pero ako ay nangangamba na baka kung hindi bibilisan ng ating pamahalaan  ang paglilikas sa ating mga kababayan doon ay mapahamak sila . tinanong ko ang aking sarili , bakit ba nagaganap ang mga bagay na ito ? hindi ba at ang Israel ay ang banal na lupain na pinanggalingan ng ating panginoon . Na noon ay bayang hinirang ngunit ngayon ay bayan na ng digmaan . bakit ba may mga sandatang mapamuksa ? na sa isang iglap , ikaw ay maglalahong parang bula . sa isip ko sana ay huwag ganito ang kahinatnan ng iringan ng bansang china at ang bansang pilipinas upang ating mapanatili ang kapayapaan .

                          

            MAPAMINSALANG MISSILE LAUNCHER NA GAMIT SA DIGMAAN